A Blogger’s Prayer - Tagalog/Filipino Translation
By bluepanjeet on Apr 12, 2008 in Life On The Rock, Prayer Power

Last year when I was busy tweaking my blog in time for its launching, I googled the cyberspace to see if there is any existing prayers for bloggers. Until I stumbled on Fr. Cuying’s blog and read his magnificent Prayer. This was also the time that I witnessed here in the blogosphere how a young priest, whose blog is not monetized and who just accomplished what he was requested to do, was ganged up by the high and mighty hyenas of Manila just because he said this very same prayer in the Philippine Blog Awards of 2007 (It’s another story i tell you). Fr. Cuying did not retaliate but instead quietly carried the cross on his shoulders. I saw in Him, through his docility and meekness, the authenticity of the Prayer he wrote that’s why from then on I became his constant lurker and reader, adding morsels of meaning to my journey by just reading from his blog. And time fly so fast that at this very same month last year, I was still a newbie in the commercial blogosphere reading the entry of Fr. Cuying, and for the very first time, meeting the most hideous creatures of the Manila High and Mighty blogger monsters. If you want to be protected from the evil hyenas of the blogosphere, then say the prayer with me. Fr. Cuying wrote it in English, Tagalog and Spanish. Sayang walang latin kasi mas epektib daw ito sabi ng matatanda laban sa mga impaktong bloggers sa twitterlandia haha. So here is the Tagalog version of Fr. Cuying’s Panalangin ng Isang Blogger (Of course with his special permission to repost this).
Aming Ama, ikaw ay mahabagin, matapat at mapagmahal. Nagsusumamo kami na palakasin ang aming pananampalataya at aming pagmamahal sa Iyo upang magamit namin ang blogging bilang kasangkapan na maisakatuparan ang Iyong mga dakilang layunin. Nawa?y maging bloggers kami ng katotohanan at tagapagtaguyod ng kapayapaan.
Tulungan mo kami na maging matatag sa tungkuling Kristiyano, upang ang aming mga bisita?y makita ang aming mga blog na pinagmumulan ng lakas ng loob at inspirasyon. Bigyan mo kami ng lakas upang mapalaganap ang Iyong mga salita, na maging bahagi kami sa pagbuwag ng balakid ng hidwaan sa mundo at gamitin ang aming mga blog upang pagtibayin ang aming pagkakaibigan, pagkakaisa at pagmamahalan.
Gawin mong maamo at mapagkumbaba ang aming mga puso upang pakitunguhan ang aming mga mambabasa bilang kaibigan at hindi bilang pandagdag bilang lang, nawa?y aming madalas na pagsikapan na baguhin muna ang aming mga sarili bago ang aming site templates , na madalas kaming mag-ukol ng panahon na maibsan ang pighati ng aming kasambahay kaysa sumagot sa mga punang iniwan ng mga di kilalang tao sa aming blog, na mas madalas kaming makihalubilo sa aming mga kapitbahay kaysa sa pakikipag-chat sa aming mga blogrolled friends, na kami?y maging maalalahanin sa pagtulong sa mga kapus-palad kaysa sa bilang ng suskritor sa aming RSS feeds.
Iadya mo kami Ama , mula sa mga spams at viruses mula sa kapalaluan at kasakiman, at mula sa tukso ng pag-replika ng mga imahe nang walang pahintulot at pagkopya ng mga ideya na di kinikilala ang orihinal na sumulat.
Nawa?y lagi kaming magkaisa bilang mga bloggers at magkakaibigan na sama-samang gumagawa sa Inyong ngalan. Nawa?y mapalapit kami sa Iyo sa pamamagitan ng aming mga blog.
Hinihiling namin ang lahat ng ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon.
Amen.







































© 2009 OTWOMD | Bluepanjeet.Net
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License